‘Pen-Pineapple-Apple-Pen’ ginamit pang laban sa COVID-19

Trending muli sa Twitter ang Japanese social media celebrity Pikotaro sa kanyang COVID-19 hand washing song.

Sa remake ng kanyang hit song na ‘Pen-Pineapple-Apple-Pen’ (PPAP), ginawa ninya itong “Pray-for-People-and-Peace”.

Si Pikotaro, na ang tunay na pangalan ay Kazuhito Kosaka, ay nakasuot din animal print na kanya ring ginamit sa ‘PPAP’ video na nag-viral noong 2016.