Passport ng mga senior citizen’s gagawing ‘for life’

Walang validity as in pang lifetime ang nais ni Senador Lito Lapid sa passport ng mga senior citizens.

Ito ang nilalaman ng Senate Bill No. 1197 na isinusulong ni Lapid upang hindi na dumaan sa proseso ng pagre-renew ng pasaporte ang mga senior citizen.

Alinsunod sa panukala magkakaroon ng “lifetime validity” ang Philippine passport ng mga senior citizen o nagkakaedad ng 60 pataas.