Isa sa top 11 winners ang isang 16-year-old Filipino student sa New York Times STEM writing contest.
Si Natalia Araña, na nag-aaral sa Philippine Science High School, ay angat sa mahigit 4,000 na kalahok sa entry niya tungkol sa Stradivarius, ang pinakasikat na violin, at ang possibilities of remaking its majestic sound through science.
Inimbitahan ng ang mga estudyante na nasa edad 11-19 para gawing konsepto ang mga kumplikadong ideya tungkol sa science, technology, engineering, and math sa 500 salita o mas kaunti pa.
Sa kanyang essay, binahagi ni Araña na iilang Stradivarius violins ang nag-eexist dahil mahirap itong ma-replicate dahil sa global warming.
At dahil sa magtaas ng temperatura ng mundo, ang spruce trees, na ginagamit sa pagawa ng Stradivarius violins, ay tumutubo na may mataas na density na nakakaapeto sa tunog ng nasabing instrumento.
“This negatively affects the properties of an instrument’s vibrations, which are also known as sound waves,” paliwanag niya.
Sa interview ng GMA News kay Araña, hindi pa rin siya makapaniwala na nanalo siya, dahil karamihan sa mga nanalo ay taga United States.
Inihayag ni Araña na isa siya music lover at isa ring violinist mula noong anim na taong gulang pa lamang siya.
Ang kanyang experience sa student publication, at sa gabay ng kanyang mentor at mga kaibigan, nagawa niya ang 500-word essay sa loob lamang ng dalawang araw.
Malapit na grumaduate si Araña at saad niya, gusto niyang i-pursue ang music, science at writing.