Pang-party ng senior citizen, pinambili ng relief sa Taal

Taal reliefKinansela ng ng ginang na si nanay Belen Mulingtapang ang kanyang engradeng 75th birthday celebration para tumulong sa biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang perang gagamitin sana para sa catering, banda, venue at gown ni nanay Belen ay pinambili na lang ng relief goods gaya ng bigas, noodles, tubig at biscuit para sa evacuees.

“Halos OK na ang lahat pero lahat ay cancelled… Mamimigay na lang daw siya ng mga relief goods,” pagbabahagi ng anak ni nanay Belen na si Sherwin, na lumaki sa Lemery, Batangas.

Nakakuha na ng 44,000 likes at 10,000 shares ang nasabing post.