Parol galing Pinas pinasikat sa Egypt, Abu Dhabi

Pang-international na talaga ang mga produktong Pinoy.

Patunay rito ang pag-display ng mga parol na gawa sa lalawigan ng Pampanga Egypt at Abu Dhabi.

Ginamitan ang parol ng capiz kaya naman agaw pansin sa mga dumalo sa isang charity event sa Cairo.

May temang “Asian Food and Crafts Charity Bazaar” ang event.

Tampok din sa bazaar ang mga pagkaing Pinoy at mga handicraft.

Inorganisa ang charity event ng 28 member Asian Diplomats’ Spouses Association.

Makikita rin ang Pampanga-made lantern sa siyam na araw na “National Festival of Tolerance and Humanity” sa Umm Al Emarat Park sa Abu Dhabi.