Park Seo Joon unang Korean actor na may Gold Play Button

Nag-livestream si Park Seo Joon sa kanyang Youtube channel “Record PARK’s” upang i-celebrate ang kanyang one million subscribers milestone.

Nag-special unboxing ang aktor ng kanyang Gold Play Button, na binibigay ng YouTube sa mga creators na umabot sa kanilang milestone.

Nagpasalamat din siya sa kanyang staff na nagtatrabaho “day and night to edit videos” of his vlogs.

Nagsimula si Park Seo Joon ng kanyang YouTube channel noong July, at narating niya ang one-million milestone ng wala pang isang taon.

Siya rin ang kauna-unahang Koream actor na makatanggap ng Gold Play Button.