‘Parasite’ wagi sa Oscars

Parasite OscarsGumawa ng kasaysayang ang ‘Parasite’ sa 2020 Academy Awards ng mag-uwi ito ng apat na Oscars.

Ang South Korean movie ay ang unang non-English film na nagwagi ng best picture.

Napanalunan din ng pelikula ang Oscars for best original screenplay at best international feature film.

Ang direktor nito na si Bong Joon Ho ay napiling Oscar for best director, na kauna-unahang Korean director, at ikalawang Asian director na napalanunan ang award.