Parasite Zoom Background

Maaari ng ma-experience ang Oscar-winning film ‘Parasite’ sa Zoom video call.

Inilabas ng Japanese Twitter account ng movie ang mga bahay na makikita sa pelikula na maaaring gamitin bilang virtual backgrounds.

“From feeling like a millionaire to feeling like a member of a semi-underground family… Enjoy your time at home!”

Ilan sa featured backgrounds ay ang bahay ng pamilya Park at ang bathroom ng pamilya Kim.

Nagwagi ang Parasite noong 2019 ng Academy Award for Best Picture at Best International Feature film.

Nakuha din nito ang Palme d’Or sa Cannes Film Festival.