Paolo Contis umaming 3rd party ang hiwalayan kay LJ Reyes

Tinapos na ni Paolo Contis ang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ni LJ Reyes. Sa lengthy Instagram post nitong Wednesday, September 8, humingi ng sorry ang aktor kay LJ.

Sinagot niya din ang tungkol sa drug use at ang rumored girlfriend niyang si Yen Santos.

“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito,” unang pahayag niya.

“I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito.”

Itinanggi ni Paolo na gumagamit siya ng illegal drugs na dahilan umano para saktan niya si LJ at mga bata.

“This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.”

Ngunit inamin niya na mayroong third party sa pagsasama nila ni LJ.

“I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions,” saad ni Paolo.

Pinabulaanan naman ni Paolo ang kanyang co-star sa A Faraway Land, Yen Santos na itinuturong dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to,” explain niya.

Pero inamin ni Paolo na nagkita nga sila ni Yen sa Baguio.

Pumunta lang aktres sa lugar bilang kaibigan.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip.

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”

Sa hiwalay na post, nangako si Paolo na magiging “better person” at magsisilbing aral ang nangyaring issue.

“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us.”