Paolo Ballesteros viral sa Heart Evangelista parody ad

Viral ang ice box advertisement na inendorse ni ‘Miss Hurt’ na parody ng vlog ni actress Heart Evangelista na inimpersonate ni Paolo Ballesteros.

“Nakabenta na kami, pero hindi pa rin namin afford ‘yung sikat na endorser… kaya kumuha na lang kami ng kamukha niya,” ang intro-text ng viral video ad ng Orocan.

Suot ni Paolo ang white dress with long black hair ay nag-transform siya bilang si Miss Hurt.

Pinakita ni Miss Hurt sa ‘vlog’ ang tour ng kanyang bahay at ‘literal’ na walk-in closet, kung saan makikita ang bag collection niua.

Ang ‘cheapest bag’ niya ay ang malaking Orocan ice box na pinintahan nya rin, katulad ng ginagawa ni Heart sa kanyang branded bags.

“Usually, it takes me seven hours to make this but this one only took me six hours, and I’m so happy with the result!” sey ni Miss Hurt.

Nagkaroon din ng ‘special appearance’ ang asawa ni Miss Hurt, na iniimpersonate si Sorsogon Governor Chiz Escudero, nang magkaroon siya ng ‘heart attack.’

Sa “What’s In My Bag” segment ay pinakita ang dala-dalang ‘spare heart’ ni Miss Hurt.

“So in case, you know, if anything should happen to me and I would need a heart replacement, they would just have to look inside my bag.”

Umani ng mahigit 12,000 reactions sa Facebook ang tatlong minutong advertisement ng Orocan, ilang oras matapos itong i-post.

Nag-post naman sa Instagram stories ang real Heart Evangelista ng picture ng billboard ng Orocan ad.

“Omg orocan…. don’t be ‘hurt’ na,” sey ni Heart na may laughing at heart emoji. Si Paolo ay Pinoy actor-comedian at ‘Eat Bulaga’ host na kilala sa kanyang viral celebrity makeup transformations.