MULING pinamalas ni ‘Eat Bulaga’ host Paolo Ballesteros ang kabutihang loob nang walang kaabog-abog nitong ipinamigay ang kanyang gamit na wig sa isa sa mga contestant sa ‘Bawal Judgmental.’
Nauna rito ay ini-interbyu ni Paolo kasama si Jose Manalo ang contestant na si Lhia na sinasabing may alopecia areata, isang uri ng sakit kung saan ay nalalagas ang buhok.
Ikinwento ni Lhia ang kanyang pinagdaanan kasama ang pambu-bully dahil sa kanyang kalagayan.
Habang nagkukuwento ay tinanong ni Paolo ang contestant kung naranasan na nya ang katulad na wig ng TV host.
“Bet mo ba? Bet mo ba to?” tanong ni Paolo at inalis ang big at ipinasout sa contestant.
Kinantiyawan pa nitong naging kamukha ito ni Miley Cyrus dahil sa bagong wig na sout.