
Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senador Bong Go sa mga sundalo at pulis na nadale sa nangyaring sagupaan sa Sulu.
Kaakibat ng ginawang pagbisita ay ginawaran ng Order of Lapu-Lapu ang mga sundalo at pulis na wounded in action (WIA) at kasalukuyang naka-confine sa Trauma Ward ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital (CTBSH) sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters (KHTBH) sa Jolo, Sulu.
Ipinaabot din ng personal ni Sen. Bong sa mga sundalo at pulis ang pasasalamat dahil sa ipinamalas na kagitingan at patuloy na paglilingkod sa bayan.
Nangako rin ang senador na sisiguraduhing natutugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng personnel in uniform.