Kumalat sa social media ngayong araw ang mga larawan ni Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo habang sakay ng tricycle sa Bacolod City para dumalo sa Masskara festival 2019.
Matatandaang naging kontrobersiyal si Panelo dahil sa pagkasa nito sa commute challenge sa lider ng mga militants na si Renato Reyes.
Ang commute challenge ay ginawa para patunayang may nararanasang krisis sa transportasyon.