Pamperya! Robert Seña pinintasan sa performance sa SEA Games

Hindi nagpaapekto si Robert Seña sa mga kritiko noong nakaraang grand opening ng 30th Southeast Games sa Philippine Arena.

Nag-tweet si journalist Raissa Robles tungkol sa “pang-peryang” performance umano sa opening ng SEA Games.

Robert Seña
Robert Seña

Ayon kay Robles, “We havery good choreographers – Steve Villaruz, Edna Vida, Nonoy Froilan.They could have been tapped for the #SEAGamesOpening. Pucha. Parang nanunuod ka lang ng perya sa probinsiya nito. Why did they not use some of our ballet dancers??????”

Di rin nakaligtas si Seña sa puna ni Robles.

“Parang hindi bagay na si Robert Sena ang umawit ng kay ganda ng pilipinas. Ito kaya yung dapat nasi Lea Salonga? Sana kinuha nila baritone na lang.”

Komento naman ni Seña, “We don’t mean to please everybody but the ONE WHO called us to do HIS mission.”

Sa kabila nito, papuri naman ang ibinuhos ni Jim Paredes, kilalang kritiko ng administrasyong Duterte, sa opening ng SEA Games.

“Congrats sa opening ng SEAG 2019. Could not watch cuz we had a show. Watching clips now on my phone. What a grand show. Congrats to the organizers and artists. Ok athletes Do your best. Mabuhay tayong lahat! Go Philippines.”