Kinumpirma ng mga awtoridad sa HongKong na lulan ng Cebu Pacific ang mag-iina ng isang Chinese national na nagpositibo sa novel coronavirus.
Ang lalaking may taglay ng NCV ay iniwan sa HongKong hospital matapos magpositibo sa naturang virus.
Ang hinarang na Chinese national ang iniulat na kauna-unahang kaso ng corona virus sa HongKong.
Galing umano sa Wuhan na sentro ng outbreak ang 39-anyos na lalaki sa Hong Kong sakay ng high-speed train, Martes ng gabi.
Ang Chinese national ay natuklasang may lagnat nang suriin sa West Kowloon.
Sa dalawang pagsusuri ay nagpositibo ito sa impeksyon. Kasabay na sinuri ng Chinese ay ang apat na miyembro ng kanyang pamilya na pawang nagnegatibo sa nasabing virus kaya bumiyahe na papunta ng Pilipinas lulan ng Cebu Pacific flight 5J111.
Pasado ala-una ng hapon kahapon nang dumating sa airport ang pamilya.
Samantala ayon sa Department of Health partikular ang Bureau of Quarantine na nangangasiwa sa pagsusuri ng mga paparating na pasahero sa airport na wala silang naengkuwentro pamilyang positibo sa NCV.
Samantala sa pinakahuling ulat ay sumampa na sa 9 ang patay sa coronavirus.
Wala pang reaksyon ang CebuPac sa nasabing ulat ng HK authorities.