Pamilya Barretto nagsabong sa harap ni Digong

Mala-teleserye ang away ng pamilya Barretto.

Sa likod ng pag-aayos ng aktres na si Gretchen Barretto ay inang si Inday sa mismong burol ng amang si Miguel ay may kaguluhan pa lang nangyari nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 16.

Nabatid sa ulat ni Gorgy Rula sa DZRH na nagwala umano ang kapatid ni Gretchen na si Marjorie Barretto sa pagdating ng ate. Nangyari umano ang pagwawala ni Marjorie nang makarating sa kaalaman nito ang pagdating sa burol ni La Greta.

Kaya naman habang nasa burol si Gretchen ay may nangyaring eksena.

Sinugod umano ang aktres ng pamangkin at akmang sasampalin pero naawat.

Nang mapaghiwalay ay rumesbak si Gretchen at akmang sasabunutan ang pamangkin na si Nicole pero muling naawat.

Nagdulot ng komosyon ang pangyayari na nangyari sa oras na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing pinakiusapan pa ni Pangulong Duterte sina Marjorie at Gretchen na magkamayan bilang respeto sa namayapang ama pero bigo ang Pangulo dahil nagkaroon ng nervous breakdown ang ina ni Julia Barretto.