Palawan World's Best Island

Balik ulit sa top spot ang Palawan bilang World’s Best Islands sa listahan ng Travel + Leisure ngayong 2020.

Pagkalarawan ni Travel + Leisure writer Sara Clemence sa Palawan ay “dramatic at sea level, with mountains rising directly from the ocean palm-edged beaches.”

“Though it’s difficult to reach from many parts of the world, once travelers get there they can dive in World War II wrecks, explore old-growth rain forests, and paddle one of the world’s longest subterranean rivers at Puerto Princesa.”

Nagdiwang naman ang Department of Tourism sa bagong achievement ng Palawan.

“Palawan reclaimed its rightful place in the World’s Best Awards. The citation as the Best Island in the World is all the more important because this is voted upon by the readers of the prominent Travel + Leisure magazine,” saad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ito na ang ikaapat na beses na maging #1 ang Palawan bilang World’s Best Islands.

Pasok din sa ika-14 spot ang Boracay ngayong taon.