Hindi naman nganga ang mga pasahero ng Philippine Airlines (PAL) na apektado ng ipinatupad na travel ban ng Pilipinas sa South Korea dahil sa banta ng coronavirus.
Ito ang paglilinaw ng PAL sa mga pasaherong papuntang SoKor pero hindi nakabiyahe.
Ayon sa PAL ang mga pasahero nilang nakansela ang biyahe pa-SoKor dahil sa COVID outbreak ay maaring mag-requeat ng re-booking.
Maari rin umanong i-refund ang kanilang tiket.
“Pasahero na naapektuhan sa travel restrictions, maaring magrebook, refund, reroute na walang ipapataw na charge,” paglilinaw nu PAL spokeswoman Cielo Villaluna.