Masuwerteng walang nasaktan sa 342 pasahero at 18 crew na lulan ng Philippine Airlines (PAL) Flight PR113 nang mag-emergency landing sa Los Angeles International Airport (LAX) matapos na magliyab ang makina nitong Biyernes, Nobyembre 22, 2019.
“All 342 passengers and 18 crew members are safe and were able to disembark from the airplane using regular air stairs,” ayon sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng PAL.
Nabatid na umalis ng LAX ang PAL PR113 ng 11:45 a.m sa US at 3:45 a.m. sa Pilipinas nitong Nov. 22 at patungong Manila nang mag-emergency landing sa LAX bandang alas-12 ng tanghali, oras sa US.
Kasunod ng pangyayari ay tiniyak ng PAL na tutulungan ang mga apektadong pasahero kabilang ang rebooking sa ibang flight patungong Pilipinas at provision ng meals at hotel accommodations.
Pinuri naman ng PAL ang mga crew dahil sa tagumpay na successful emergency landing at walang nasaktang mga pasahero.
“We likewise recognize and appreciate the calm professionalism exhibited by our experienced flight and cabin crew, headed by Captain Triston Simeon and Purser Joanne Marie Dirige, in executing the unscheduled landing and taking care of our passengers,” ayon pa sa PAL .