Pahirap sa OFWs ‘di kinaya! 3 PhilHealth exec nag-resign

Sabay-sabay na nagbitiw sa posisyon ang tatlong opisyal ng Philippines Health Insurance Corporations (PhilHealth) dahil sa hindi makayanang korapsyon sa ahensya.

Gabi ng Hulyo 23 nang sumambulat ang balitang pagbibitiw sa puwesto sa PhilHealth ng tatlong opisyal na kinilalang sina Retired Colonel Bal Laborte, head executive assistant ng PhilHealth President, isang Atty. Labe, corporate legal officer ng Philhealth at Atty, Thorson Montes Keith, anti Fraud Legal Officer.

Ang resignation letter ng tatlong opisyal ay ipinadala na kay Philhealth President BGen. Ricardo Morales.

Bago ang mass resignation ay nagkaroon umano ng pulong ang mga opisyal ng PhilHealth kung saan ay nagkaroon ng tensyon.

Korapsyon sa loob ng ahensya ang pangunahing dahilan ng pagbibitiw ng mga opisyal.

Kasama ring dahilan ng pagbibitiw ay ang pagtutol ng ilang empleyado ng PhilHealth sa mandatory payment contribution sa mga #OFW dahil labag sa kanilang “personal values” na magbayad ang mga OFW sa kapabayaan ng PhilHealth.

“It is against my personal values to let the OFWs pay for the spillages of PhilHealth” he said.

He also cited the “rampant and patent unfairness in the promotion of officers in the state health firm”, the delay in his salary and hazard pay since the start of the investigation of officers in PhilHealth, and “widespread corruption,” nakasaad sa kumalat na resignation letter ni Atty. Keith sa social media.