Pagsali sa ‘Starhunt The Global Showdown’ nina Maymay at Edward alamin kung papaano

Sobrang excited ang Kapamilya teen star at loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang project na “Starhunt The Global Showdown.”

Ito ang kauna-unahang global singing search online na inilunsad.

Ayon kay Maymay, masayang-masaya siya sa project na ito lalo na’t kasama niya si Edward.

“…tapos exciting din siya kasi kakaiba po siya kasi po ‘yung contest, ang alam lang natin Starhunt nasa TVat nagla-live, tapos dito live din siya pero gamit lamang ‘yung mobile tapos sa pamamagitan ng KUMU app,” tsika ni Maymay.

Para makasali umano sa contest dapat ay mag- magdownload muna ng KUMU app.

Sa sandaling makapag-download ng KUMU app ay maari nang magbigay ng 3-minute audition piece.

Sobrang saya naman ng mga fans nina Maymay at Edward sa kanilang proyekto. Sabi ni Lorjie Jayme, masaya siya sa at magkasama sina Maymay at Edward sa ‘Starhunt’.

“Happy for you babies. it really breaks my heart noon pag bina- bash si May sa chillout and Iwant. kesyo ganito ganyan pero with such talent i pray and hope that time will come that proves your worth and this is it. nothing is impossible in God’s Grace and Hand who molded us to what we become. mananalig lang parati,” bahagi ng komento ng fan.