Pagpasa ng COVID-19 habang buntis, posible

Pregnancy Covid-19 infectionBase sa pag-aaral ng mga Chinese scientist, maaaring maipasa ng mga infected na nanay ang coronavirus sa kanilang pinagdadalang tao.

Inobserbahan nila ang 33 buntis sa Wuhan City, kung saan ito ang sentro ng virus, at nakumpirmang tatlong baby ang infected ng coronavirus pagkasilang.

Ayon sa findings ng Journal of the American Medical Association (JAMA) Pediatrics, sinunod ang infection control at prevention procedures habang nangangak kaya maaaring ang source ng COVID-19 ay ang kanilang ina.

Ang tatlong baby ay pinanganak na cesarean dahil ang kanilang mga ina ay may COVID-19 na nauugnay sa pneumonia.

Nilinaw naman ng mga researchers na ‘rare’ o bihira mangyari na mayroon lamang 9% chances.