Minungkahi ng isang mambabatas ang pagbabawal ng paggamit ng gadgets sa loob ng paaralan, pribado o publiko, ng Grade 10 students at pababa.
Ayon kay San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes, maraming pag-aaral ang nagpapakita na maraming bata na pinapayagang gumamit ng cellular phones at gadgets sa loob ng school hours ay mayroong psychological, physiological and mental health issues.
Dagdag pa ni Robes, nakakasagabal ang paggamit ng gadgets sa edukasyon at academic performance, nagsusulong ng cyberbullying at tumataas ang anxiety, depression at suicide rate.
Ayon sa panukala ni Robles, lahat ng mobile device at gadgets na dadahil sa eskuwelahan ay dapat i-surrender sa school authorities at saka lanmang ibabalik kapag class dismissal.
Maaari lamang gamitin ng estudyante ang kanilang phone kapag emergency cases at kailangan sa lesson.