PAGCOR tigil muna sa pagbibigay ng medical assistance

Pansamantalang ipinatigil ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagbibigay ng medical assistance sa mga lumalapit na mga kapus sa buhay sa ahensya.

Ang hakbang ay iniutos ng Pagcor matapos na mahuli ang isang mag-asawang nagsumite ng mga pekeng dokumento kapalit ng tulong mula sa PAGCOR.

“The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) wishes to inform the public that it is temporarily halting the acceptance of applications for medical financial assistance,” ayon sa inilabas na statement ng Pagcor.

Nauna rito ay inaresto ng mga kagawad ng Manila Police District (MPD) ang isang mag-asawa dahil sa natuklasang pagpapasa ng mga pekeng dokumento.

Iimbestigahan ng PAGCOR ang lahat ng mga dokumentong napasakamay sa ahensya para tiyakin ang legalidad ng mga ito.

Walang ibinigay na petsa ang PAGCOR kung kailan muling tatanggap ng application sa medical assistance.