Pagbagsak ng Berlin Wall, 30 taon na

Kahapon, Nobyembre 9, ginunita ng Germany ang ika-30 taon ng pagbagsak ng Berlin Wall na sumisimbolo sa katapusan ng komunismo at pagsisimula ng pambansang pagkakaisa sa bansang ito.

Sa pareho rin na araw noong Nobyembre 9, 1989, binuksan ang pinto ng West Berlin ng East German border guards dahil na rin sa napakalaking pagtitipon ng mga European na humamon sa mga gwardya upang pasukin ang pinto.

Berlin Wall

Ito ay ang naging hudyat ng kauna-unahang free passage mula ng maitayo ang pader.

Pinaghiwalay ng pader na ito ang East Germany at West Germany.

Komunismo ang East Germany samantalang Kapitalista ang West Germany, at ang pader na ito ang humarang sa ugnayan ng “dalawang” Germany sa loob ng halos tatlong dekada, na naging bantayog rin ng Cold War.

Nagpasalamat si President Frank-Walter Steinmeier ng Germany sa kanilang Eastern European neighbors na nagbigay-daan sa isang mapayapang rebolusyon sa ginanap na seremonya sa Bernauer Strasse Berlin Wall Memorial na dinaluhan ni German Chancellor Angela Merkel at ang mga pinuno ng mga bansang Poland, Hungary, Slovakia at Czech Republic.

Nag-alay sila ng mga rosas sa maliit na pagitan ng mga labi ng ginibang pader.

Ayon kay Steinmeier, “the historic event did not mark the ‘end of history’. The struggle of political systems had continued and the future was more uncertain than ever before”.

“Liberal democracy is being challenged and questioned,” ani Steinmeier.

“That’s why Germany and its European allies had to fight every day for a peaceful and united Europe with each country having to do its part to overcome differences”, dagdag pa nito.

Mismong si Gat Jose Rizal noong 19th century ay nanirahan sa Germany kung saan tinapos nya ang pagsusulat ng nobelang Noli Me Tangere at nailathala sa tulong ni propesor Ferdinand Blumentritt.

Ang mga nars ang naunang naging migrante sa bansang ito sa dekada ’60 at nagtrabaho sa mga ospital doon.

Sinundan ito ng iba pang kakabaihan dahil sa intermarriage.

Taong 2008 naitala ng German Embassy ang 35,000 Pilipino na naghahanap-buhay sa Germany samantalang 30,000 naman ang naging naturalized German citizens.

Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga walang papeles na Pilipino.

Sikat ang mga Pilipino sa civic organization membership sa Germany lalo na sa mga simbahan, charity at women empowerment.

Bukod pa rito, kilala ang mga Pinoy sa bansang ito na masipag, maparaan, at maka-kapayapaan.

Sana’y din silang makihalubilo at magaling magsalita ng wikang Aleman ayon sa isang pag-aaral noong 2007.