Pacquiao namigay ng 2 kotse, branded bags sa 41st birthday

Bumaha na naman ng pa-premyo ang selebrasyon ng ika-41 kaarawan ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao noong December 17.

Ang bonggang party party ni Pacman ay ginanap sa Rizal Ballroom sa Makati Shangri-La Hotel na dinaluhan ng mga kamag-anak, kaibigan at mga kasamahan sa pulitika.

Manny Pacquiao birthday
(NicePrint)

“Thank you everyone for the birthday wishes. So glad I got to spend my 41st birthday with my family and friends. May God bless you all!” bahagi ng pasasalamat ni Pacman sa kanyang Instagram post.

Katulad ng inaabangan ng mga iniimbitahan sa birthday celebration ay dalawang kotse ang ipina-raffle sa mga dumalo sa okasyon.

Sobrang happy rin ng mga bisita ng senador dahil nagpaulan ito ng mga branded bags bilang papremyo.

Matatandaang nakaraang taon ay bonggang birthday celebration din ang ginawa ni Pacman kung saan ay namudmod din ito ng sangkatutak na mg pa-premyo na umabot sa 40 na katumbas ng kanyang edad.