Kakausapin ni Senador Manny Pacquiao si House Speaker Alan Peter tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
“Hindi pa kami nag-uusap ni Speaker Alan Cayetano, pareho kaming Christian, brother ang tawagan namin, hindi pa lang kami nagkakausap. I-try kong kausapin after this,” pahayag ni Pacquiao sa panayam sa DZMM kahapon.
Inamin din ng boxing champ na nag-effort na siya para sa renewal ng Dos sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang kongresista.
“Kinausap ko sila, ilang congressman na ang kinausap ko. Sabi ko i-hear n’yo na ‘yan dahil mapapahiya tayo kung hindi n’yo i-hear ‘yan para makita ng mga tao na ginagampanan n’yo ang trabaho n’yo. Kung hindi papasa, hindi papasa; kung papasa, mas mabuti,”
paliwanag ng senador.
Sinabi pa ng Pacquiao na trabaho ng mga kongresista na gawin ang pagdinig para matalakay na ang prangkisa.
“Dapat, gampanan n’yo ang trabaho n’yo, i-hear n’yo dahil karapatan ng taong bayan na malaman ang update o information na dapat nilang malaman,” giit pa ni Pacquiao.
Si Pacman ay isa sa sumuporta sa resolusyon na nagtutulak sa National Telecommunications Commission na payagan ang ABS-CBN na makapag-operate habang dinidinig pa ang panukala tungkol sa franchise renewal nito.