Pacman the dog, na-hit and run sa GenSan

Na-hit-and-run ang pet dog at training partner ni Senator Manny Pacquiao na si Pacman sa General Santos City.

Si Pacman, na isang Jack Russell terrier, ay kasama sa mga training para sa laban ng People’s champ mula pa noong 2006, at tinuturing na bunso nito.

Agad na isinugod sa veterinary clinic ang aso, ngunit hindi nito kinaya ang injuries na natamo.

Nakalibing na si Pacman sa backyard ng senador.