Mga palatandaan:
Ilegal ang operasyon nito dahil walang permit, wala ring opisina, at kung saan-saan lang kinakausap ang mga aplikante.
Ka-Chos!, huwag magpaloko!
Narito ang listahan ng 10 kaduda-dudang gawain ng illegal recruiters ayon sa Ople Policy Center:
1. Kapag lumapit sa iyo at inalok ka ng trabaho, tapos siya mismo ay ahente lang ng isang recruiter at ni walang matinong opisina, pekeng recruiter iyan.
2. Kung konektado naman sa lisensyadong recruitment agency pero sa ilalim ng puno ka ng manga kinakausap o kaya sa bahay mo imbis na doon mismo sa ahensya, malamang ay pekeng recruiter din iyan.
3. Kung ang alok sa iyo ay kasing tamis ng bukayo – walang bayad, alis kaagad, mataas na suweldo – pekeng recruiter ‘yan.
4. Kung hinahanapan mo ng POEA license at job order (laging magkasunod dapat ‘yang dalawa) at kung anu-anong dahilan ang binibigay, pekeng recruiter ‘yan.
5. Kung ang alok ay Malaysia o anumang bansa sa Middle East, tapos padadaanin ka pa sa Zamboanga airport samantalang hindi ka naman doon na-recruit, pekeng recruiter iyan.
6. Kung hindi ka pa nakakapag-interview sa employer, o kaya’y wala pang PDOS, o ni hindi pa nabibigyan ng kontrata pero sinisingil ka na kaagad ng pera, pekeng recruiter ‘yan.
7. Kung ang alok ay Afghanistan, Somalia, Sudan (except Khartoum and the Kenana Sugar Plantation), Rwanda, Burundi, Syria, Yemen, Iraq, Chechnya Republic, South Sudan, Iraqi Kurdistan region, Ukraine, Chad, Cuba, Democratic People’s Republic of Korea (North Korea), Haiti, Mali, Mauritania, Niger, Palestine, Somalia and Zimbabwe (updated as of 2008), 100% pekeng recruiter yan dahil bawal pa sa ngayon ang pagpunta sa mga bansang nabanggit. 8. Kung walang resibong binigay, walang kontratang ipinakita, pero paulit-ulit na humihingi ng downpayment sa iyong pag-alis, pekeng recruiter yan.
9. Kung masyadong mataas ang singil higit sa iyong susuwelduhin sa abroad ng isang buwan, pekeng recruiter yan. 10.
Kung marami ng napangakuan pero wala namang nakakaalis, pekeng recruiter yan.
Paalala rin ng Ople Policy Center, kung may duda, magtanong.
Kung may kaba, pakinggan.
Huwag magpapaloko sa pekeng recruiters! Tumawag sa POEA – 8722-1144; sa Action Line – 1434; at sa Ople Center – 8833-5337.