Paano iwasan ang stress at pagkabahala sa gitna ng COVID-19?

Naglabas ng rekomendasyon ang Psychological Association of the Philippines (PAP) sa kanilang Facebook page ng ilang rekomendasyon para pangalagaan ang mental health sa panahon ng COVID-19, Marso 19.

Ayon sa PAP, natural lamang ang makaramdam ng pagkabahala at pagka-nerbyos sa kasalukuyang sitwasyon ukol sa COVID-19.

Normal na mag-alala sa kalusugan ng tao at ng kanyang pamilya, at sa magiging kalagayan ng hanapbuhay anang PAP.

Payo nila ay dapat magkakasama ang mga mamamayan sa pagpapatibay ‘di lamang ng pikisal na kalusugan kundi ang mental health ng bawat isa.

Narito ang mga paraan para mabawasan ang stress at pagkabahala para mas mapangalagaan ang sarili at mga mahal sa buhay.

Psychological Association of the Philippines (PAP)