Paalam Sen. Nene Pimentel!

Sumakabilang-buhay na si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. sa edad na 85 nitong Oktubre 20.

Naulila ni Nene Pimentel ang kanyang maybahay at anim na anak kung saan ang panganay ay si Senador Koko Pimentel na dati ring naluklok na Senate President.

Bago bawian ng buhay ay isinugod si Nene sa St. Lukes Medical Center sa Global City at ilang naratay sa intensive care unit dahil mahinang-mahina ito, ayon sa ilang miyembro ng pamilya.

Pasado alas-5:00 ng umaga nang bawian ito ng buhay.

Kinumpirma ni Koko ang kamatayan ng ama sa Twitter.

“Our beloved Tatay Nene has joined his Creator at 5 a.m. today, Oct. 20, 2019.

We thank all those who have been a part of his life. We ask for prayers for the repose of Tatay Nene’s soul.”