Paalam PNoy

Pumanaw na si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ngayong araw, Hunyo 24, 2021 sa edad na 61.

Ipinangak si dating Pangulong ‘Noynoy’ Aquino na kilala rin sa palayaw o bansag na ‘PNoy’ noong Pebrero 8, 1960 ang ika-15 Presidente ng Republika ng Pilipinas.

Binawian ng buhay si PNoy 6:30 ng umaga Hunyo 24, 2021 habang natutulog, sanhi ng kanyang pagkakaroon ng sakit na ‘renal disease’.

Si PNoy ay anak ni dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino.

Siya ay naihalal bilang ika-15 na Pangulo ng Pilipinas noong June 30, 2010.

Natapos ang kanyang termino noong June 30, 2016, habang nailuklok naman ang kasalukuyang Presidente ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo R. Duterte.