Pa-cute pa more! Angel bumira sa mga Kapamilya stars

Napuno ang Kapamilya star na si Angel Locsin sa patuloy na pananahimik ng kanyang mga kasamahang artista sa ABS-CBN.

Sa noise barrage nitong Sabado ng gabi ay hindi na nakatiis ang aktres at harapang binanatan ang mga kasamahan sa ABS-CBN na hindi nagpapakita ng malasakit sa kumpanya.

“Yung mga kasamahan kong artista, na hindi pa rin nagsasalita. Ano tatahimik na lang kayo? Wala na kayong network? Ano magpapa-cute na lang kayo sa Instagram?”

Maliban kay Angel ay lumutang din ang aktor na si Jake Cuenca at teenage star na si Edward Barber.