Aabot sa dalawang milyon ang magkakatrabaho sa nakalinyang proyekto ng SM -Ayala consortium sa South Road Properties (SRP) sa Cebu.
Kinumpirma ni Atty. Raymund Alvin Garcia, majority floor leader ng Cebu City Council ang multi-bilyong proyekto matapos na aprubahan ng konseho ang development plan.
Ngayong aprubado na ang plano ay maari nang ituloy ng SM Prime Holdings, Inc. at Ayala Land, Inc. ang development sa 26-ektaryang bahagi ng SRP.
Ang ari-ariang ide-develop ng SM at Ayala sa SRP ay bahagi ng 45.2-hectare lot ng reclamation area na kanilang nabili noonpang 2014 sa panahon ni dating Mayor Michael Rama na tumatayo namang vice mayor sa kasalukuyan.
Sinabi naman ni Mayor Edgardo Labella na ang proyekto ay magsisilbing pangunahing source ng employment ng mga Cebuanos.
“The project of the SM-Ayala consortium will generate jobs for our constituents.
I am happy about the development,” anang alkalde.