P1B gastos sa SEA Games, tiyak pasok sa top 3-PSC

Kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na hindi na makapagtatakang pumasok sa top 3 ang Pilipinas sa idaraos na 30th Southeast Asian Games.

Ang pagtataya ay ginawa ng PSC head dahil sa ipinamalas na suporta umano ng gobyerno sa mga atleta.

SEAG 2019

“I will not be surprised because we spent more than P1 billion for the foreign exposures,” ani Ramirez.

Si Ramirez din ang chef de mission (CDM) ng Philippine team sa biennial meet na pangangasiwaan ng Pilipinas sa ikaapat na beses na gagawin mula Nov. 30 -Dec. 30.

“We at the CDM, our focus are the athletes. Our deputy CDM have been going around, meeting coaches and athletes,” dagdag nito.

Sinabi rin umano ng national sports association (NSA) officials sa kanya na kayang-kaya ng Pinas na manalo ng 274 gintong medalya.

“The PSC is not supposed to predict. It is the job of the NSAs but during our NSA executives meeting, 45 of the 56 sports, they commit 274 gold medals,” sabi pa ni Ramirez.