Nangangailangan ng Pinoy na guro ang Amerika partikular sa Tucson, Arizona dahil sa teacher shortage.
Aabot sa $42,000 o mahigit P2 milyon sa isang taon ang sahod ng magiging public school teacher kung sakaling matanggap.
Maraming Amerikano na ayaw maging guro kaya maraming Pinoy ang makukuha sa posisyon na ito, katulad ni teacher Andrea Locsin, na dating nagtuturo sa public school sa Pilipinas.
“This is a very big opportunity for me, a very big blessing,” saad ni Locsin.
Ayon kay Dr. Gabriel Trujillo, tagapamahala ng hiring process ng international teachers, mas marami ang bakanteng posisyon kaysa aplikante.
“The pay isn’t very attractive. We finally decided that it would probably be time to look overseas.”