OWWA tumulong sa OFWs na stranded sa Luzon lockdown

OWWA logoTumulong sa 16,000 overseas Filipino workers (OFW) na na-stranded sa Luzon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Binigyan nila ng hotel facilities ang lahat ng OFW na bumalik ng bansa.

Ayon sa record ng OWWA, nasa 4,258 OFW ang nabigyan ng libreng transportasyon, 3,965 ang nabigyan ng pansamantalang tirahan, 3,743 seafarers ang nabiyayaan ng food packs at 1,003 OFW sa rehiyon ang nabigyan ng pagkain, accommodation at transportasyon.

Ang 107 OFW na nakakumpleto nang 14-day mandatory quarantine ay nakabalik na sa kanilang mga probinsiya.

Ang mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis ay magkakaroon ng one-time $200 o P10,000 financial assistance.