OWWA may maagang Pamasko sa 6 OFWs

Nawalan man ng hanapbuhay ay masayang umuwi ng Pilipinas ang anim na overseas Filipino workers (OFWs) na galing sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos na tulungan ng mga opisyal ng Philippine Consulate at Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration ang anim na Pinoy undocumented workers sa Saudi para makauwi ng bansa.

Ang anim na OFW ay dumating ng bansa nitong Biyernes ng gabi (Nobyembre 22).

Kabilang sa anim na iniuwi ng bansa ay dalawang menor de edad at isang OFW na 14 taon kumayod sa Saudi Arabi nang walang kaukulang dokumento.

Kaya naman paglapag ng mga Pinoy worker sa Pinas ay labis ang kanilang kasiyahan at sinabing ito na ang pinakamasayang Pamaskong natanggap nila.

“Masaya po, excited makita ang mga anak. Malungkot lang kasi may sakit. Pero masaya ako masayang masaya,” pahayag ng isang OFWs sa panayam ng GMA-7.