OWWA mamumudmod ng P10K sa mga OFWs na stranded sa coronavirus

Pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng gobyernong Duterte sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW na apektado ng travel ban dahil sa novel coronavirus outbreak.

Ang pamamahagi ng P10K sa mga OFWs ay kinumpirma ni Labor Acting Secretary Renato Ebarle nang hingan ng reaksyon sa gagawing tulong ng pamahalaan sa mga Pinoy workers na naapektuhan ang pagbibiyahe sa ipinatupad na travel ban.

Para ma-avail ang tulong pinansyal ng mga stranded OFW makipag-ugnayan sa mga OWWA assistance officer na nasa mga airport o tumawag sa OWWA sa hotline na 1348.

Ang travel ban ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapigilan ang pagkalat ng virus kung saan ay patuloy sa paglobo ang bilang ng mga namamatay sa China.

Saklaw ng travel ban ang lahat ng dayuhan na magmumula sa China, Hong Kong at Macau.