Original ‘Marlboro Man’ namatay sa edad na 90

Ang orihinal na “Marlboro Man” na si Robert “Bob” Norris ay namatay noong Linggo, November 3, sa edad na 90.

Ang 90-anyos na rancher ang kauna-unahang modelo ng Marlboro.

Hindi umano naninigarilyo si Norris at tumigil ng magmodelo sa Marlboro para maging mabuting halimbawa sa kanyang anak.

Ayon sa anak ni Norris na si Bobby, sinabihan umano sila ng kanilang ama na ayaw niyang makikita silang naninigarilyo.

Nang itinanong niya kung bakit siya nagmomodelo sa nasabing kompanya, agad na tumawag ang kanyang ama sa Phillip Morris at nag-quit sa trabaho.

Si Norris ay matalik na kaibigan ng aktor na si John Wayne, na nagbigay din ng tribute sa kanyang Twitter account.