Kulang ang aksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa napipintong pagbabawas ng deployment ng bagong hire na Overseas Filipino Workers (OFWs) patungo sa Saudi Arabia.
Ito ang pahayag ng migrant workers advocate na si Susan Ople ng Ople Foundation na dati rin naging DOLE official.
Malaki ang epekto sa ekonomiya ng pinapadalha na pera ng mga OFWs mula sa Saudi dahil isa sa apat na OFWs ay nagtratabaho sa Saudi.
Dapat ay seguruhin na mayroong safety nets o alternatibong aksyon ukol dito ang DOLE ayon kay Ople.
Ang scale down ay tugon ng DOLE sa lumolobong bilang ng 300 na OFWs na hindi pa rin natatanggap ang kanilang sahod mula sa kanilang employers noong Abril 2019.
Aabot na daw sa 4.6 bilyong piso ang atraso ng mga employer sa mga OFWs.
Isa ang grupo ng kontratista ng Saudi Aramco na itinuturing na world’s largest oil producer na hindi nagpasahod ng 200 OFWs sa Saudi.
Ayon sa DOLE, bukod pa ang bilang na nabanggit sa 13,000 OFWs na repatriated na ng ahensya noong Agosto 2019 sa pareho rin dahilan na hindi pagpapasahod sa loob ng dalawang taong pamamasukan ng mga Pilipinong manggagawa sa Saudi.
Hanggang ngayon ay mayroong 4,000 pa sa kanila ang hindi pa nabayaran sa kanilang serbisyo bilang OFW.
Nais ng DOLE na tawagan ng pansin ang Saudi government na mamamagitan na sa patuloy na paglabag sa karapatan ng OFWs ani Labor Secretary Silvestre Bello III.