One Piece magkakaroon ng live action

One Piece NetflixAng popular Japanese manga at anime franchise na ‘One Piece’ ay magkakaroon ng live-action show sa Netflix.

Ang nasabing live-action ay magkakaroon ng 10 episodes na gawa ng Shueisha at Tomorrow Studios, na siya rin gumagawa ng ipapalabas na Cowboy Bebop live-action.

Nauna nang naibalita ang nasabing plano noong 2017 ngunit walang kumpirmasyon ang streaming site na Netflix.

Ang One Piece ay Guiness World Record holder sa pinaka maraming kopya na nai-publish.