One night only concert ng ‘I will survive’ at ‘ I am what I am’ singer susugurin ng LGBT

Gloria Gaynor
Gloria Gaynor

Tiyak na magkakanyang paandaran ang LGBT community na inaaasahang dadagsa sa one night only concert ng international singer na si Gloria Gaynor.

Si Gloria Gaynor ang nagpasikat ng mga kantang “I Will Survive” at “I Am What I Am” na favorite piece ng mga beki sa mga gay contest kaya marami ang excited na makita ang singer ng personal.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa Pilipinas para sa isang one-night-only concert ang disco singer na si Gloria Gaynor na magaganap sa Oktubre 3 sa Grand ballroom ng Okada -Manila.

Ang concert producer na si Joed Serrano ang magdadala kay Gloria Gaynor sa Pilipinas na siya ring naging instrumento para mag-concert sa bansa si Celine Dion.