One Direction nag-post sa IG after 4 years

For the first time since 2016, nabuhay muli ang Instagram account ng One Direction para 10-year anniversary nitong Huwebes. July 23.

Naka-post ang itim na picture na may nakasulat na, “10 years of One Direction.”

Excited ang mga fans kung anong pakulo ang ilalabas ng banda sa anniversary nito.

“Tomorrow! You and me got a whole lot of history.” caption ng nasabing post.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 4 million likes at 400,000 comments ang post with hashtag #10YearsOf1D.

Kinumpirma ng Simon Jones, PR ng banda, na mayroong bagong 1D anniversary website at celebration video na inihanda para sa mga fans.