“One day at at time” — Tom Hanks

Tom Hanks WilsonIsa sa mga kilalang personalidad na matapang na umamin sa kinatatakutang sakit na coronavirus ay si Hollywood star Tom Hanks.

Sinabi ni Tom Hanks na siya ay nasa Australia para sa shooting ng biopic ni Elvis Presley nang makaramdam ng sintomas ng coronavirus.

Nang magpa-checkup, parehong nagpositibo sa COVID-19 si Hanks at asawa nitong si Rita Wilson.

Sina Tom at Rita ay kasalukuyang nasa isolation ward ng Gold Coast University Hospital sa Australia.

Sa pinakahuling update sa Instagram, nagpasalamat si Tom sa mga doktor at staff na nag-aasikaso sa kanilang mag-asawa at nagpaabot din ito ng mensahe sa lahat ng fans na nag-aalala sa kanya:

“I want to thank everyone here Down Under who are taking such good care of us. We have Covid-19 and are in isolation so we do not spread it to anyone else. There are those for whom it could lead to a very serious illness. We are taking it one-day-at-a-time. There are things we can all do to get through this by following the advice of experts and taking care of ourselves and each other, no? Remember, despite all the current events, there is no crying in baseball.”