‘Omegle’ top trending search ngayong 2019

Inilabas nang Google Philippines ang listahan ng top trending search ngayong 2019.

Sa pangkalahatan, nangunguna ang free online chat website na Omegle, na maaari kang makipag-usap kahit kanino gamit ang webcam.

Ang bagong Darna na si Jane de Leon at P-pop boy group na SB19 ang nangunguna sa mga personalities na sinearch ng mga Pinoy sa Google.

Sa news, ang ‘Halalan 2019’ ang nanguna dahilan ng midterm elections noong May.

Pasok din si Eddie Garcia, ‘Avengers: Endgame’at kantang ‘Memories’ ng Maroon 5 sa top searchers ng mga Pinoy ngayong taon.