Oh My Girl, bakasyon grande!

Excited ngayon ang mga miyembro ng Oh My Girl dahil titigil muna sila sa pagtatrabaho para sa mahabang bakasyon.

Ito ang first extended vacation ng Oh My Girl simula nang mag-debut ang kanilang unang album may limang taon na ang nakakaraan kaya kanya-kanya nang plano ang grupo para sa family trips, iba’t ibang aktibidad at pamamasyal.

Oh My Girl
Oh My Girl (IG)

“It’s our first long vacation after debut. We talked about our plans for family trips, mountain climbing, and bakery tours around the country,” ayon pa sa grupo na naging abala ngayong taon sa Mnet girl group contest program na “Queendom.”

“We are thankful for the 5th year of our debut. We’ve laid the foundation for a long run through ‘Queendom’. I believe we can do music for a long time.”