Oh My Dad’ nina Ian at Dimples tiyak blockbuster

Mukhang winner ang comedy sitcom na ‘Oh My Dad’ na pagbibidahan ng aktor na si Ian Veneracion at bago nitong partner na si Dimples Romana sa direksyon ni Jeffrey Jeturian sa TV5.

Tuwing Sabado mapapanood ang ‘Oh My Dad’ alas-5:00-6:00 ng gabi.

Sa trailer pa lang ay tiyak akong panonoorin ng mga Kapamilya fans na matagal nang naghahanap ng mga shows sa free channel.

Swak na swak ang ganitong klaseng mga show kung saan ay nasa bahay ang karamihan sa mga tao dahil sa pandemya.