Ogie Alcasid dinonate ang toy collection sa COVID-19 testing

Nag-donate si singer-songwriter Ogie Alcasid ng kanyang mga laruan na kinolekta niya sa loob ng 24 taon sa fund raising campaign para sa COVID-19 testing.

Ilan sa collection ni Ogie ay toy characters ng Star Wars, Voltes V, Mazinger Z, Marvel, at DC Comics.

Ang nasabing fund raising ay ang ‘Shop and Share’ project na pinangungunahan nina Kapamilya actresses Angel Locsin at Anne Curtis.

Ang malilikom na donasyon ay mapupunta sa COVID-19 testing kits ng mga underprivileged.