OFWs sa Iran ligtas sa magnitude 5.9 quake

Patuloy ang pagtutok ng Philippine Embassy sa Tehran, Iran sa mga overseas Filipino workers(OFWs) kasunod ng naitalang magnitude 5.9 quake nitong Biyernes, Nobyembre 8
Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ipaalam ng Philippine Embassy sa Tehran ang pangyayari.

Sa ulat tumama ang lindol sa East Azerbaijan province.

Ayon pa sa DFA na tiniyak ni Assistant Secretary Eduardo Menez na nakaugnayan na nito ang Filipino community sa Tabriz City at inalam ang kanilang sitwasyon.

Nabatid na nasa 32 Filipino nationals ang naninirahan sa nilindol na lugar at tiniyak ang maayos nilang kalagayan.

“So far, there is no report of Filipinos among those affected by the deadly earthquake. The DFA stands ready to provide assistance to any affected kababayan,” ayon pa sa ulat.

Sa ulat, nakapagtala ng limang patay at pagkasugat ng daan-daan ang nangyaring lindol.